“Is It A Scam? Modus? Syndicate? Or.. Kikita Ba Ako Diyan?


Sa recent blog ko ay inexplain ko kung papaano ang gagawin mo kung puro negative ang prospects mo. Malimit sa mga nag aalok ng oportunidad ay nakakaencounter ng mga ganitong katanungan.. “Is It A Scam? Modus? Syndicate? Or.. Kikita Ba Ako Diyan? At kadalasan, dahil sa mga tanong na yan, nagiging negative ang isang potential prospect once na magkaron ka ng mali kung papaano mo sinagot ang mga tanong na yan.


But, unfortunately, based on my experience, kahit negative or positive yan, they will search for questions na para bang nang aasar lang or yung tipong humahanap talaga ng butas para lang makalusot sa inaalok mo na opportunity! Does it make sense?

So paano mo nga ba ieexplain ng maayos sa isang prospect ang mga tanong na yan? Pano mo idedefend ng tama ang business opportunity mo? Kung mapapansin mo, sa apat tanong na yan, 3 of them parang halos negative na yung impression nila sa opportunity mo. The last one, yun lang yung tanong na may dalang positive energy sa inaalok mo.

There are two types of approaches how to answer those questions based sa practical experiences ko as a Network Marketer:

1.  Explain mo ng Mano-Mano.
2. Si Internet ang mag e-explain para sayo (Using Technology).

1. Madaming klase ang pag e-explain ng Mano-Mano. Based ulit sa experiences ko, eto yung ibat-ibang paraan how to do it.

a)  Personal meet up – dito sa style na to’, you need to explain one by one, with  eye to eye contact, proper business attire, at dapat may poise ka kasi hindi lahat ng naka proper business attire ay attractive or may dating sa mata ng prospect.

b) By Calling  - Dito naman ay gagamit ka ng medium of communication tulad ng pinakamamahal mong cellphone. Yung tipong gusto mo na kagad ma-recruit sa phone kahit sobrang tagal na ng pag-uusap niyo tapos ang init-init na ng phone sa tenga mo.(Gawain ko to’ dati!)

c)  Using Messengers – I consider this as a Mano-Mano Strategy dahil gagamit ka parin ng effort mo to explain one by one lahat ng details sa opportunity na inooffer mo. Minsan pa nga e nasa climax ka na ng pageexplain sa chat tapos biglang nawalan ng kuryente or biglang nawala yung kausap mo. Karamihan sa mga nagsisimulang Marketers ay nagrerent lang sa computer shop para lang makapaghanap ng prospect na makakausap. Sobrang limited ang time sa computer shop tapos ang masaklap pa nito, kapag panget pa ang computer na napatapat sayo.

Madami pang mga Mano-Mano styles kung papaano mo sasagutin or idedefend ang opportunity mo, kung may mga experiences ka pa, please let me know para maidagdag ko sa blog na ito.

2.  If you are an Internet Network Marketer, you can tell your prospects to visit your blog (Video Blog or Article Blog),  kasi mapapaghandaan mo ng maayos and at the same time, yung words na gagamitin mo is yung makaka-attract sa prospect.  Pinili ko ang blogging kasi pwede mo nang ilagay ang youtube videos mo, facebook fanpage at iba pang information regarding sayo at sa inooffer mo. Sikat at libre ang blogging para masagot mo mga questions na itatanong sayo especially yung mga tanong na title ng blog na to’. Madami pang Internet Marketing strategies na pwedeng gamitin for you to leverage time and effort. Kung gusto mo pa malaman ang ibang paraan, just message me.

Pero TAKE NOTE.. If  you are considering yourself as an Internet Marketer pero ang ginagawa mo lang is magpost ng magpost ng business offer mo, particularly sa Facebook, I assure you hindi ka makakakuha ng qualified prospects. Kung makakuha ka man, very minimal lang dahil ang pagpopost ng business offer sa Facebook is like you're giving flyers sa kalsada (Online Flyers). Always remember and consider na magbigay muna ng VALUE para yung mga tao na makakakita ng post mo will know you, like you, and trust you.



CONCLUSION

I’m not against Offline Marketers, what I’m pointing out here is madaming advantages ang nagagawa ng Internet when promoting business. 

So, kung Offline Marketer ka pa rin hanggang ngayon, kailangan mong magdagdag ng kaalaman, lumabas sa comfort zone at gumawa ng ways para ma-improve ang strategies mo dahil kung aasa ka lang sa sarili mong kakayahan, mapapagod ka lang kakapaliwanag tapos dahil lang sa isang mali mo sa pagsagot sa mga tanong ng prospect mo, e bigla silang magnenegative.


Para sa additional information on how you can bring your business to the Internet or kung kailangan mo ng guides and trainings how to do it, you can click the link below and I’ll show you kung paano mo din magagamit ang internet strategies na ginagamit ng team ko for better results in our business.





Cheers,













Patrick Capiña,

Author, Offline MLM To Online MLM - The Smart Shift


PS Anong masasabi mo sa post na ‘to? Comment below and make sure to click LIKE.
FACEBOOK COMMENTS



Leave A Reply

Name

Email *

Message *